Ang Talo Ay Dapat Tumahimik Na Lang

Porke't madalas ang dayaan sa Pilipinas pagdating ng halalan, nagiging automatic na rin ang pag file ng protesta ng mga talunan na kandidato.

Isang halimbawa si Dr Mahid Mutilan, ang kasalukuyang nanunungkulan bilang Bise Gobernador ng Autonomous Region for Muslim Mindanao, ay natalo sa pagka Gobernador ni Zaldy Puti Ampatuan.

Ayon kay Dr Mutilan ay talamak ang pandaraya sa halalan na mas grabe pa kaysa noong mga nakaraang eleksyon.

Sa tingin ko, si Luzviminda Tangcanco ang dapat mananagot nito. Dahil sa taong ito, ay napurnada ang nakatakdang modernisasyon ng Comelec noong 2001 na sanay nagbigay daan sa pag iwas sa duda ng nakararami pagdating sa bilangan, lalo na ang mga natalo.

Mga uhaw sa pwesto ang mga opisyal na ito. Tingnan natin si Maliksi na siyang gobernador ng Cavite. Siya'y pina suspinde dahil sa kalokohang ginawa, ngayon siya pa ang nagdidikta sa Court of Appeals na alisin ang pagpataw ng parusa sa kanya. Trapo talaga, bilib ako sa kanila.

Garci, Sumuko Ka Na!

Ang hirap pala gisingin ang taong nagkunwaring tulog. Sa palagay ko rin ay ganito ang nangyayari sa taong pilit hanapin na hindi naman nagtatago.

Kung mahanap man ang perlas sa kailaliman ng dagat o di kaya ay ang gintong nakaluklok sa kasulok sulukan ng lupa, paano nalang ang isang tao na kilala bilang opisyal ng Comission on Election na maraming nakakilala sa mukha at pati na rin sa pamilya.

Hindi ako naniniwala na si "Garci" ay nakakulong sa kweba sa Mindoro at ang hirap tugisin. Andyan lang yan sa isa sa mga magagarang gusali ng Makati, Tokyo, Kuala Lumpur o Jakarta, kung sakaling pinayagan siyang lumabas ng bansa.

Siguro nga siya ay may sala dahil siya ay natatakot humarap sa lipunan at sagutin ang paratang sa kanya.