Garci, Sumuko Ka Na!

Ang hirap pala gisingin ang taong nagkunwaring tulog. Sa palagay ko rin ay ganito ang nangyayari sa taong pilit hanapin na hindi naman nagtatago.

Kung mahanap man ang perlas sa kailaliman ng dagat o di kaya ay ang gintong nakaluklok sa kasulok sulukan ng lupa, paano nalang ang isang tao na kilala bilang opisyal ng Comission on Election na maraming nakakilala sa mukha at pati na rin sa pamilya.

Hindi ako naniniwala na si "Garci" ay nakakulong sa kweba sa Mindoro at ang hirap tugisin. Andyan lang yan sa isa sa mga magagarang gusali ng Makati, Tokyo, Kuala Lumpur o Jakarta, kung sakaling pinayagan siyang lumabas ng bansa.

Siguro nga siya ay may sala dahil siya ay natatakot humarap sa lipunan at sagutin ang paratang sa kanya.