Ang Talo Ay Dapat Tumahimik Na Lang
Porke't madalas ang dayaan sa Pilipinas pagdating ng halalan, nagiging automatic na rin ang pag file ng protesta ng mga talunan na kandidato.Isang halimbawa si Dr Mahid Mutilan, ang kasalukuyang nanunungkulan bilang Bise Gobernador ng Autonomous Region for Muslim Mindanao, ay natalo sa pagka Gobernador ni Zaldy Puti Ampatuan.
Ayon kay Dr Mutilan ay talamak ang pandaraya sa halalan na mas grabe pa kaysa noong mga nakaraang eleksyon.
Sa tingin ko, si Luzviminda Tangcanco ang dapat mananagot nito. Dahil sa taong ito, ay napurnada ang nakatakdang modernisasyon ng Comelec noong 2001 na sanay nagbigay daan sa pag iwas sa duda ng nakararami pagdating sa bilangan, lalo na ang mga natalo.
Mga uhaw sa pwesto ang mga opisyal na ito. Tingnan natin si Maliksi na siyang gobernador ng Cavite. Siya'y pina suspinde dahil sa kalokohang ginawa, ngayon siya pa ang nagdidikta sa Court of Appeals na alisin ang pagpataw ng parusa sa kanya. Trapo talaga, bilib ako sa kanila.